Tuesday, April 18, 2006

AKO SA HONG KONG PART II

Sa wakas nahanap ko rin ang aking contact na pinay DH na si Jovy at masaya naman niya akong ipinasyal sa Central. Sumakay muna kami sa Tram eh wala na naman nun dito sa atin so enjoy ang ride kahit pabalik balik. Mura lang kasi pamasahe HK$2 lang malayo o malapit. Marami ka pang matatanaw sa bintana gawa nang mabagal ito tumakbo at madalas humihinto upang magbaba at magsakay ng mga tao. Kalaunan natuto na rin akong sumakay nito during week days nang mag-isa at wala nang "tour guide" kasi nga week end lang siya off at ng mga kaibigan nyang mga DH din.

Tapos sakay naman kami sa Ferry patawid ng Kowloon side. Pamasahe napaka mura din, HK 50c sa lower deck at 70c sa taas. Sa ibaba at itaas kami umuupo at pabalik balik lang din para kaming mga bata. Enjoy din, tapos lakad nang lakad parang nasa luneta hanggang sa mapagod na lang kami tapos pahinga at kain na rin. Mga kasama ko pa ang nanglilibre sa pagkain gawa nang "bisita" daw nila ako. Abuso na yata ito. Kuya tawag nila sa akin. Kuya kuyakoy.

Wala na ko sa hotel kaya ipinakilala ako ni Jovy sa kanyang ate Lorna na isang stay out DH at kasera ng isang boarding house na puno rin ng mga DH. Pwede daw akong matulog doon kaya lang sa sofa sa salas at sa pagkain naman share lang saw ako ng HK$20 araw araw, kasama na ko sa iniluluto nila. Libre na tulog mura pang pagkain. Daig ko pa backpacker nito. Ganyan talaga kasi pag pinoy. Kahit hindi kamag anak basta kababayan at "buwisita" ay ok lang.

Sunday, April 16, 2006

SA KOREA

Korea, Land of the Morning Calm, May 18, 1995 , sa una nakaka-nervious at excited dahil new life , new people at new work ang aking kahaharapan. Marami kaming pinoy sa unang company ko pero dalawa kami na kapampangan si Florence tubong Angeles city. Every night lagi namin pinagkukuentuhan ang buhay sa pinas, at lagi namin tinatanong sa sarili namin kung hanggang kailan kaya kami dito sa korea at anong mararating namin. One year lang kaming nag stay sa Samshin Company bilang trainee ni Florence then nag run-away na kami bilang illegal workers, sanhi ng low wages at gusto pa mag work dito sa abroad kahit mahirap ..Mahirap in the sense na nakakapanibago ang magtrabaho ng 12 hours a day, sunday lang pahinga minsan overtime pa. Mahirap makihalubilo sa mga pinoy dahil iba-iba ang ugali lalu sa mga koreans hirap makaintindi ng salita nila.

Dito sa korea, nakita ko ang mga iba't ibang ugali ng mga pinoy, kapampangan, ilocano, visaya and even koreans. Kailan matatag ang loob mo dito sa abroad, nandyan na ang homesick, malayo sa pamilya lalu na sa mga araw ng occassion like christmas, new year , fiesta and so fort wala kasi dito yan. Mahirap gumala kapag crackdown na, kahit sa oras ng work ninenervious din baka mamaya biglang bumulaga yong immigration sa iyo, pinas agad ang abot mo. Sa sunday di rin makapagsimba dahil minsan pagod na sa work malayo din ang bihaye papuntang church especially kapag massive crackdown na. Dito rin sa korea maraming nakakaranas na pinoy at ibang lahi ang di pinapasahod ng mga amo, laging delay ang sahod, tiyaga na lang minsan kaya di lumilipat ng ibang factory kasi baka lalung mas malala ang lilipatan, katuwiran na lang basta binibigay naman, ayos na yon.

Buhay dito sa korea malayung-malayo sa pinas, ang kagandahan lang dito basta di ka nababakante ng work lahat ng gusto mo mabibili mo at makakapundar ka kung marunong kang mag save para sa future mo,kasi parang napakadali ng pera dito sa korea basta di ka lang maselan sa work. Ako nagpapasalamat na sa Diyos kahit papaano di ako pinabayaan at lagi akong ginagabayan, inspite of everything para sa akin pamilya lahat ng itong paghihirap at kalungkot na minsan dumarating sa buhay ko.
marymers

Saturday, April 15, 2006

SA CHINA

What made me choose to be here in China?? actually i didn't choosed to be here sinwerte lang ako, sumama lang ako sa brother ko who is working here and i was very lucky to be able to work in an International School, from which maganda naman and compensation. Thinking of the salary, the place and our status here ok naman compared sa ibang country specially middle east... we can go back home to the PI as often as we want as long as may pambili ka ng air ticket, yun nga lang 1 or 2 weeks lang vacation but in my case co'z i work in the school i have 2 months vacation every summer break which is july and august here.

And yes you're all right!!! na payabangan karamihan ng mga pinoy sa abroad then they will just end up with nothing and being away from their family almost as long as they live.. Kaya advice ko lang sa mga OFW try to save atleast 10 or 15% of your salary every month para pag ayaw mo na sa abroad may pangpuhunan ka sa PI.
Most of the times naman, every time magbabakasyon tayo, wow!! sangkaterbang pasalubong sa mga kamag anak kasi naka2hiya, but for me that's not fair, we're working very hard tapos pamimigay lang natin then pag hindi kana naka abroad nobody knows us anymore,,,nobody would even dare to ask you kung may kakainin ka, for me it's not being madamot it's being practical, we must learn how to use our money wisely,, coz we don't know how long we could have a nice life abroad, and every penny na kinikita natin pinaghihirapan natin, it might not be kasing hirap ng trabaho sa pinas literally but walang ksing hirap ang malayo sa pamilya it's an immesurable sacrifice, ang hirap ng umiiyak ka sa gabi wala kng asawang nakayakap sa iyo (specially winter) it kills me when i miss my children's giggles and their happy face.

In my first few days here, i realized how hard to be away from your family specially those who cannot afford to go home in 2 years or more. I also then realized kung papaano ang buhay ng mga lalaking nasa abroad,,,, and then kung makikita mo yung mga asawa nila sa pinas wow!!! fiesta lagi sa kanila SHAME ON THEM,,, maawa naman kayo sa mga asawa nyo na nagtatrabaho sa abroad hindi pinupulot dito ang DOLLARS sana naman kung papano kahirap sila kitain ganun din sila kahirap gastusin..Madalas akong nakakauwi ng pinas 2 or 3x a year but i'm still hurting, papano pa yung mga asawa nyo na nasa mas malalayo? mas masakit yon.... sana wag nyong lustayin ang kinikita ng mga asawa nyo sa abroad coz before u realize it wala ng dollars wala ng abroad pupulutin lang kayo sa kangkungan.....
kuro

Friday, April 14, 2006

SA JAPAN

Cherry came to Japan about 18 years ago in a desperate bid to settle a P25,000 debt from her failed fish business in Navotas. Having five children to support single-handedly after her common-law husband abandoned them, she worked for a rich Japanese household as a maid. Although used to hard work, Cherry was so humiliated by that experience that she wanted to go home except that she did not know how. She eventually overstayed her visa. It was then that she tried her hand at business, something that she always had confidence in. She started by activating her Avon membership in the Philippines. Not having enough capital, Cherry admits that it was Avon that gave her the break, as she took advantage of the one-month payment cycle to purchase other fast-moving products like tuyo, bagoong, balut and other Filipino staple items.

At that time, there were very few competitors. She could mark up her items by at least 100 percent.

Riding on the wave of the entertainment boom in Japan in the mid-80s, she then moved on to high-margin products like garments and jewelry. She used profits from these products to buy land and build her home in Bulacan.

It was also at about this time that she met a Japanese whom she eventually married. This marriage enabled her to stay and do business in Japan formally. Not wasting time, she expanded her enterprise into the export of second-hand cars and automotive parts.

Despite a string of entrepreneurial successes, an unhappy marriage hounded her. Bearing the heavier part of the conjugal business partnership, Cherry eventually divorced her husband.

Cherry then tried her hand in entertainment business, operating Superstar for six years. She recycled her profits from this enterprise to a similar entertainment outfit in the Philippines and the rest to other real estate properties.

Cherry says that her secret to survival in the dog-eat-dog world of business is to be always ready to adapt to changes in the business environment and to treat customers well at all times.

Her present business venture, a Philippine restaurant, is a phenomenal success even at a time when Japan’s economy doesn’t seem to budge. Whereas the life span of such businesses is no longer than six months, she is well into her second year. Her eat-all-you can buffet at ¥1000 attracts an average of 100 people a day, which is more than enough to pay for overhead, leaving her with a clean profit from garments and merchandise sale.
philippinestoday

Thursday, April 13, 2006

SA IRAQ

Back home, the only way I had an impression of Iraq was during my nearly catatonic moments, while I relaxed on the sofa watching a live-news feed from CNN or Fox News. Usually the TV news trumpeted the latest activities of the armed insurgents, counting casualties from suicide bombs and improvised explosive devises or listing the most recent battle deaths of coalition soldiers. The news always sent a clear, crisp, and vivid message to me: volunteering to work in Iraq would almost be volunteering for suicide. Thus, I have asked myself many times, “Who in his right state of mind would want to visit Iraq, let alone work there?”

Now, I’m here, in Iraq, working as an admin assistant for construction projects. Still I ask myself questions: Am I in my right state of mind? Am I committing suicide? Maybe yes, maybe no, I just don’t know. I don’t have ready answers to these tough questions, but I am still along for an exciting ride.

Maybe I’m here because I’m trying to prove something, trying to make a point. Maybe I’m here to test my courage, to find my limitations and, more importantly my own possibilities. Maybe I want a better life for my family, and broader horizons for me. Maybe I’m just having an unusual adventure, having the time of my life. Maybe I’m losing it, and succumbing to mental oblivion, and a series of other maybes.

Yes, it bothers me being here. Unstated anxieties build up uncertainties in my mind, but I try not to be overly philosophical about things. Anyway, philosophy is not concerned with practical answers to the questions that face me every day. One thing I’m certain about; I’m here to earn a decent living, like other foreigners. I’m hoping that isn’t the only crazy result.
ofwconnect

Wednesday, April 12, 2006

SA SAUDI

Basta, ang masasabi ko lang, if you can survive Saudi Arabia, you can survive anywhere in the world. Here is the most conservative society and the harshest of conditions a Filipino can ever imagine. Dito, magmamature kang talaga. Ilang araw pa lang ako pero damang-dama ko na ang tension ng maging alien ka dito. Mahirap talaga. Ang consolation ko lang ay napakaganda ng lugar (trabaho, bahay, etc.) na napuntahan ko. Dito, you will have to unmake yourself in order to make your life bearable. Ultimo working hours dito ay kakaiba dahil sa religious practices nila. Staggered ang oras namin dito. 9am-1pm tapos siesta kami hanggang 4:30pm, pasok uli ng 4:30-6pm. Salah(prayer time) ng 6-6:30pm kaya break ito. Resume uli ng 6:30 hanggang 9pm na yun. Ganoon din ang business hours kaya hanggang 11pm, may mga bukas pang grocery, showrooms, etc. Walang malls dito, walang department stores, boutiques lang, walang disco, walang bar, walang inuman, walang massage parlor, walang sinehan. Wala!!!! Kaya kung hindi ka handa sa ganito kalungkot na lugar, huwag kang pupunta dito, mababaliw ka. As if these are not enough, wala ring kartero dito, puro P.O. boxes lang kaya halos isang buwan bago magkasagutan ang mga sulat dito. Buti na lang may email tayo! Diyan, lamang na naman ako. Na-iimagine ko nga kung gaano kalungkot yung ibang mga Pilipino dito, lalo na yung mga nasa disyerto maski yung mga Pilipinang kailangan ding magsuot ng abaya (yung itim na balot-balot mula ulo hanggang paa ng mga babae). Paano, masyado nang mahaba ito. Sa susunod na ang karugtong. Sa susunod, yung mga lakwatsa ko at ng tropa ko dito at kung bakit ang mga nagsa-Saudi ay hirap makaipon ng pera. Sa susunod na rin yung mga kuwentong gross tulad ng mga beheading pati na rin yung mga naging kakilala, kaibigan at kaaway ko dito, at yung tungkol sa malawak na underground "eclesia" dito.
mepinoy

Monday, April 10, 2006

SA SOMALILAND

Kakaiba talaga ang lugar. Mabuhangin, kakaunti lang ang sementadong daan. Lilingunin mo ang tila bagang bundok na basura pero kung sa malapitan, bahay pala. Parang igloo na gawa sa kardbord, plastik at lata. Ito ang mga bahay ng nomads, pagkatapos sa isang lugar isasalpak na lamang sa likod ng kamel at lalarga. Mga 7-10 ganitong bahay ang kumpol kumpol sa isang lugar, walang katabi matatanaw mo na lang sa malayo ang ilan pang kumpol kumpol na mga bahay ng nomads.

Malamig, mala Baguio, kung kaya't mainam din ang mahahabang suot ng mga babae. Sinabihan ako ni Zurayda na magsuot ng pantakip sa ulo, dahil daw pupunta ako sa erya, at para maging katanggap tanggap sa mga Somali mainam na nakapandong. Ganon nga ang ginawa ko, gulat ng drayber ng sasakyan ng nakita niya kong may pandong, tuwa naman siya ng sabay ko siyang binati ng "Suba wanagsan" o magandang umaga.

Dumaan kami saglit sa palengke dahil kailangan kong magpapapalit ng kakarampot kong dolyar, para makabili ng film at makakuha ng larawan na maipapakita sa aking kaibigan at pamilya pagbalik. Parang tipikal na talipapa ang palengke. Kukulot ang buhok ni BF kung mapadayo siya dito. Laking gulat ko ng inihinto ako sa isang tabi. Nasaan ang money changer ? Ayan oh...sabay turo sa ibaba. Nakasalampak ang mga mamang nagpapalit ng pera. Sa harap nila merong parang kahon na gawa sa chicken wire, nandun sa loob ang gabundok na pera, nandun sa tabi ng talipapa sila nakahelera. Walang magnanakaw o nag-iisip dakmain ang pera. Kakataka pagkahirap hirap na bansa pero walang mga ganid at masasama ang loob. Sampung dolyar lang ang pinapalit ko, 46,000 shillings ang kapalit. Yaman ko no ? Sa isip isip ko, lintek bawal ang pitaka dito, bayong ang kailangan para magkasya ang kakarampot mong pera.

Nakapandong ang ulo ko nang nagpapapalit ako ng pera, mahaba ang palda at naka long sleeves (oo alam ko hindi western ang kanilang fashion). Tinginan pa din ang mga tao habang bumababa ako ng sasakyan at nagpapapalit, sigaw ang iba "Arab arab arab" tama ba yung tawagin akong arabo. Mukha daw kasi akong Arabo dahil sa aking mata. Ewan, siguro. Hindi talaga ako sanay na me taklob sa ulo. Hindi kumportable, kung kaya't maya maya eh tinatanggal ko din. Gaya ng pagpasok namin sa tindahan para bumili ng film "You chinese ? " sabi ng tindero. Sa isip ko lang, "pokala! wala ng tumama ! " Hindi pa nakuntento at dinagdagan pa ng kung Koreano daw ako. Sabi ko Filipino from the Philippines. Tingin lang siya, isang tingin na parang nagsasabing SAN YUN ?

Para sa mga Somali, iisang lahi ang Hapon, Koreano, Intsik at Pinoy. Hindi ba't parang tayo, makakita lamang ng puti Kano na ang turing, makakita lang ng Itim, Aprikano na, at hindi rin natin iniisip kung sila'y taga Kenya, Burkina Faso, South Africa etc. Iisa lang ang lahi ng iisang kulay.
insidesomaliland