Friday, August 04, 2006

SA AUSTRALIA

Ako si Larry na nakatira sa Sydney,Gusto ko sanang gumawa ng maikling komentaryo sa iyong frustrations sa ating kapwa Pinoy. Alam mo,ganito rin ang trend sa australia,maiinis ka,Pinipilit ng mga kababayan natin na maging puti, kinukulayan ang buhok,pinipilipit ang dila, nag lalagay ng blue eyes at kung ano ano pa . Kung tawagin ko nga poodle. Pero alam mo hindi naman nangyari ang mga bagay na ito ng basta basta na lang.

Pagkatapos ng mahabang pakikipag laban sa kastila ay pumasok iyang si Uncle Sam at natalo tayo sa gera.Binago nila ang ating edukasyon,sinimulan sa pitong taon gulang Pag pasok mo sa grade 1 ang ituturo sa iyo ay A is for apple.Natatandaan ko pa noon na bawal magsalita ng tagalog kapag nasa classroom.(Nakalimutan ko pala na hindi tumutubo ang apple sa pinas)Lahat ng inyong libro ay libro ng kano,ang medium of instruction ay Ingles, kaya kung sino ang magaling mag salita ng ingles ay mataas ang grade,you know FIRST HONOR.(Ibig sabihin ay iyong mismong iskwelahan ang pamantayan ay kung sino ang pinakamagaling maging puti. Syempre kapag ang VALUES mo ay naiba na, pati damit mo,itsura mo,taste mo ay mag babago narin.

Hindi ako magtataka na karaniwan sa mga pinoy ay nagsisisi at pinanganak silang Asyano.Ako kung tatanongin mo ako ay hindi ko rin alam talaga kung sino ba ang tunay na Pinoy, lumaki rin ako sa tug tog ng beatles,at rolling stones,Ang pantalon ko ay Levis,Mas magaling akong tumugtog ng rock n roll kesa sa mga puti dito.( hindi sila makapaniwala na mas puti ang taste ko sa music kay sa sa kanila. Ang ibig ko lang sabihin ay binura talaga ng mga mananakop ang identity ng pinoy to serve their purpose.

Hindi ba kung magaling kang mag ingles ay magaling ka ding UTUSAN dahil maiintindihan mo ka agad ang iyong amo? At sempre bibilin mo iyong mga produkto nila para maging kamukha ka talaga nila Kaya pati ekonomiya ng iyong bansa ay bagsak. Pero hindi naman lahat ng pinoy ay nagpaloko na lang,Marami ang tumutol sa ganitong sistema at namundok at nag-alay ng kanilang buhay,mag pasa hang gang ngayon.Ang nakikita mo ay iyong mga pinoy na biktima ng mga mananakop.
Pagadian.org

0 Comments:

Post a Comment

<< Home