SA KOREA
Korea, Land of the Morning Calm, May 18, 1995 , sa una nakaka-nervious at excited dahil new life , new people at new work ang aking kahaharapan. Marami kaming pinoy sa unang company ko pero dalawa kami na kapampangan si Florence tubong Angeles city. Every night lagi namin pinagkukuentuhan ang buhay sa pinas, at lagi namin tinatanong sa sarili namin kung hanggang kailan kaya kami dito sa korea at anong mararating namin. One year lang kaming nag stay sa Samshin Company bilang trainee ni Florence then nag run-away na kami bilang illegal workers, sanhi ng low wages at gusto pa mag work dito sa abroad kahit mahirap ..Mahirap in the sense na nakakapanibago ang magtrabaho ng 12 hours a day, sunday lang pahinga minsan overtime pa. Mahirap makihalubilo sa mga pinoy dahil iba-iba ang ugali lalu sa mga koreans hirap makaintindi ng salita nila.
Dito sa korea, nakita ko ang mga iba't ibang ugali ng mga pinoy, kapampangan, ilocano, visaya and even koreans. Kailan matatag ang loob mo dito sa abroad, nandyan na ang homesick, malayo sa pamilya lalu na sa mga araw ng occassion like christmas, new year , fiesta and so fort wala kasi dito yan. Mahirap gumala kapag crackdown na, kahit sa oras ng work ninenervious din baka mamaya biglang bumulaga yong immigration sa iyo, pinas agad ang abot mo. Sa sunday di rin makapagsimba dahil minsan pagod na sa work malayo din ang bihaye papuntang church especially kapag massive crackdown na. Dito rin sa korea maraming nakakaranas na pinoy at ibang lahi ang di pinapasahod ng mga amo, laging delay ang sahod, tiyaga na lang minsan kaya di lumilipat ng ibang factory kasi baka lalung mas malala ang lilipatan, katuwiran na lang basta binibigay naman, ayos na yon.
Buhay dito sa korea malayung-malayo sa pinas, ang kagandahan lang dito basta di ka nababakante ng work lahat ng gusto mo mabibili mo at makakapundar ka kung marunong kang mag save para sa future mo,kasi parang napakadali ng pera dito sa korea basta di ka lang maselan sa work. Ako nagpapasalamat na sa Diyos kahit papaano di ako pinabayaan at lagi akong ginagabayan, inspite of everything para sa akin pamilya lahat ng itong paghihirap at kalungkot na minsan dumarating sa buhay ko.
marymers
1 Comments:
This comment has been removed by a blog administrator.
Post a Comment
<< Home