Thursday, May 11, 2006

AKO SA SINGAPORE PART I

Tumulak ako patungong Singapore alas tres pa lang ng madaling araw dangan kasi maaga ang Singapore Airlines flight ko. Mga 7:30 AM ang lipad so kailangan maaga pa nasa airport na. I flew into Singapore blind as in I had no contacts at walang gaanong sadya kundi syempre bumiyahe lang. Ganyan naman talaga ako eh. Travel bug. I travel alone back packer style. Kahit saan pwedeng kumain at matulog makita lang ang isang foreign na lugar. I like the way travel broadens my horizon and to imbibe a different culture. Alam ko lang na dapat puntahan noon ay Lucky Plaza on Orchard Road kasi doon daw maraming pinoy at marami nga.

Tatlong oras din ang flight at ok naman. Katabi ko malaking mama na taga India pero mukhang suplado so no pansinan kami throughout the flight. Nang lumapag na kami sa Changi airport ay tulad na naman ng sistema sa Hong Kong. May pager boy at the same time driver ng van na maghahatid sa akin sa Summerview Hotel on Bencoolen Road. May bitbit na kong mapa ng Singapore by this time at alam ko walking distance na ring matatawag ang aking hotel sa Orchard Road na syang aking pakay.

Travel from the aiport to the hotel was quite smooth and we were downtown approaching Summerview Hotel in about half hour siguro. Singapore is not magulo like Hong Kong at syempre bawal lahat. Magkalat, chewing gum, jay walking at kung ano ano pa. Kaya naman malinis at parang robot mga tao. Mainit din kaparis sa Pinas kasi malapit pa sila sa equator kaysa sa atin pero walang mga jeep at smoke belching na mga bus at maraming mini parks kaya bearable na rin ang heat.

First order of business after checking in sa hotel ay syempre PAGKAIN. Gasino lang naman yung kinain ko sa eroplano. Ni hindi ko na nga maalala, so eto ala una na at gutom na me. Labas ng hotel walk to the left at hanap ng makakainan. Napadpad ako sa Burger King at pasok. Yun pala grabeng mahal ng inorder ko pero sige na lang pay up na lang kasi I'm starving na rin, pero di na ko uulit sa BK na to.

Maya maya lang pagkatapos kumain ay inumpisahan ko nang lakarin ang Orchard Road na tinatawag bitbit ang aking mapa. Ito raw ang kanilang shopping mecca kung baga at kailangan ko ring matagpuan yang Lucky Plaza na yan, na kung saan maraming Pinoy ang nagtitipon tipon. Kung sa Hong Kong ay sa Central maraming Pinoy tuwing weekends dito naman ay sa Lucky Plaza. Siyempre mabagal lang ang lakad parang nasa luneta at bagong dating nga kasi.

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Very best site. Keep working. Will return in the near future.
»

2:39 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your are Excellent. And so is your site! Keep up the good work. Bookmarked.
»

2:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your website has a useful information for beginners like me.
»

2:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

Nice! Where you get this guestbook? I want the same script.. Awesome content. thankyou.
»

3:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

Very pretty site! Keep working. thnx!
»

4:48 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your site is on top of my favourites - Great work I like it.
»

4:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your are Excellent. And so is your site! Keep up the good work. Bookmarked.
»

5:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your website has a useful information for beginners like me.
»

5:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

Interesting website with a lot of resources and detailed explanations.
»

6:34 PM  
Anonymous Anonymous said...

Your website has a useful information for beginners like me.
»

6:38 PM  
Anonymous Anonymous said...

Nice colors. Keep up the good work. thnx!
»

6:46 PM  

Post a Comment

<< Home