Wednesday, April 12, 2006

SA SAUDI

Basta, ang masasabi ko lang, if you can survive Saudi Arabia, you can survive anywhere in the world. Here is the most conservative society and the harshest of conditions a Filipino can ever imagine. Dito, magmamature kang talaga. Ilang araw pa lang ako pero damang-dama ko na ang tension ng maging alien ka dito. Mahirap talaga. Ang consolation ko lang ay napakaganda ng lugar (trabaho, bahay, etc.) na napuntahan ko. Dito, you will have to unmake yourself in order to make your life bearable. Ultimo working hours dito ay kakaiba dahil sa religious practices nila. Staggered ang oras namin dito. 9am-1pm tapos siesta kami hanggang 4:30pm, pasok uli ng 4:30-6pm. Salah(prayer time) ng 6-6:30pm kaya break ito. Resume uli ng 6:30 hanggang 9pm na yun. Ganoon din ang business hours kaya hanggang 11pm, may mga bukas pang grocery, showrooms, etc. Walang malls dito, walang department stores, boutiques lang, walang disco, walang bar, walang inuman, walang massage parlor, walang sinehan. Wala!!!! Kaya kung hindi ka handa sa ganito kalungkot na lugar, huwag kang pupunta dito, mababaliw ka. As if these are not enough, wala ring kartero dito, puro P.O. boxes lang kaya halos isang buwan bago magkasagutan ang mga sulat dito. Buti na lang may email tayo! Diyan, lamang na naman ako. Na-iimagine ko nga kung gaano kalungkot yung ibang mga Pilipino dito, lalo na yung mga nasa disyerto maski yung mga Pilipinang kailangan ding magsuot ng abaya (yung itim na balot-balot mula ulo hanggang paa ng mga babae). Paano, masyado nang mahaba ito. Sa susunod na ang karugtong. Sa susunod, yung mga lakwatsa ko at ng tropa ko dito at kung bakit ang mga nagsa-Saudi ay hirap makaipon ng pera. Sa susunod na rin yung mga kuwentong gross tulad ng mga beheading pati na rin yung mga naging kakilala, kaibigan at kaaway ko dito, at yung tungkol sa malawak na underground "eclesia" dito.
mepinoy

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Well, Taga saudi din ako...pero exaggerated naman yang 1 month mo makukuha ang iyong sulat dahil walang kartero. Kasi sa company namin, daily naman sila pumupunta ng post office. So siguro tamad tamaran lang yong driver ninyo pumunta ng post office para kunin sa p.o. box ang inyong mga sulat. At regarding naman sa oras ng trabaho, iba sa amin..8-6 kami..kaya deretcho rin. OK?

4:26 AM  

Post a Comment

<< Home