Tuesday, April 18, 2006

AKO SA HONG KONG PART II

Sa wakas nahanap ko rin ang aking contact na pinay DH na si Jovy at masaya naman niya akong ipinasyal sa Central. Sumakay muna kami sa Tram eh wala na naman nun dito sa atin so enjoy ang ride kahit pabalik balik. Mura lang kasi pamasahe HK$2 lang malayo o malapit. Marami ka pang matatanaw sa bintana gawa nang mabagal ito tumakbo at madalas humihinto upang magbaba at magsakay ng mga tao. Kalaunan natuto na rin akong sumakay nito during week days nang mag-isa at wala nang "tour guide" kasi nga week end lang siya off at ng mga kaibigan nyang mga DH din.

Tapos sakay naman kami sa Ferry patawid ng Kowloon side. Pamasahe napaka mura din, HK 50c sa lower deck at 70c sa taas. Sa ibaba at itaas kami umuupo at pabalik balik lang din para kaming mga bata. Enjoy din, tapos lakad nang lakad parang nasa luneta hanggang sa mapagod na lang kami tapos pahinga at kain na rin. Mga kasama ko pa ang nanglilibre sa pagkain gawa nang "bisita" daw nila ako. Abuso na yata ito. Kuya tawag nila sa akin. Kuya kuyakoy.

Wala na ko sa hotel kaya ipinakilala ako ni Jovy sa kanyang ate Lorna na isang stay out DH at kasera ng isang boarding house na puno rin ng mga DH. Pwede daw akong matulog doon kaya lang sa sofa sa salas at sa pagkain naman share lang saw ako ng HK$20 araw araw, kasama na ko sa iniluluto nila. Libre na tulog mura pang pagkain. Daig ko pa backpacker nito. Ganyan talaga kasi pag pinoy. Kahit hindi kamag anak basta kababayan at "buwisita" ay ok lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home