Wednesday, November 16, 2005

AKO SA HONG KONG PART I

Bumiyahe ako patungong Hong Kong upang makita ko naman ang buhay ng mga kababayan natin na karamihan ay mga DH doon. Malapit lang. Umalis ako via PAL sa Terminal 2 at humigit isang oras ay lapag na ang eroplano sa Chep Lap Kok International Airport. Walang binatbat ang NAIA sa ganda ng airport na ito. Maganda rin ang Changi Airport sa Singapore pero mas maganda pa rin itong airport sa Hong Kong. Sa loob ng eroplano napansin ko sa gawing kanan ko ang isang grupo ng tatlong mga bagong DH na patungo rin ng Hong Kong na pareparehong nakasuot ng dilaw na T-shirt na nakatatak sa likod ang pangalan ng kanilang recruitment agency. Excited sila na nagkekwentuhan habang nasa ere kami. Hmmmm ano kaya ang magiging swerte nila sa Hong Kong? Maya maya lang ay nag announce na sa intercom ng eroplano na palapag na raw kami at ifasten na ang aming mga seatbelts.
Pag labas ko ng customs ay eto na may sumasalubong sa aking taga shuttle service marahil. Hawak nya ang kapirasong papel na nakasulat ay Agency nila na sya rin namang bilin sa akin sa Maynila na mangyayari pag lapag ko. Nilapitan ko sya at sinabi ko ang pangalan ko at sabi ay upo lang daw muna sa tabi at may mga kasabay pa. So ok upo. Maya maya eto na aalis na raw kami. Sa Shamrock Hotel nya ako ihahatid at yung katabi ko namang mag asawa ay sa Marco Polo ang tungo. May anim kami sa van na sa ibat ibang hotel ihahatid. May kalahating oras din mula airport patungong downtown at habang bumibiyahe ay sightseeing na rin ang nangyari. Walang katrapik trapik, maluwag and daan at maski aspalto ng kalsada ay maganda pa sa aspalto sa lubak lubak na mga kalye sa Maynila.

Dumaan kami sa tinatawag na Tsing Ma Bridge na naguugnay ng animo dalawang isla gawa nang napalaki at ang liliit tingnan ang mga barkong dumaraan sa ilalim. May matatanaw kang puro mga condo na puti sa malayo at marami pang condong ipinapatayo rin sa paligid. Parang building frenzy na animo'y kulang sila sa lupa at puro condo ang mga projects na itinatayo.

Maya maya eto na, nasa downtown na kami kasi may mga stoplights na at medyo makipot na ang mga kalye. Isang biglang liko sabay para sa tabi at sabay tanong ng driver ng van "Shamrock Hotel?" Sabi ko ako yon. Ako pala ang unang bababa. Konti lang bagahe ko kaya mabilis din akong nakababa sabay turo naman ng driver "Shamrock Hotel you turn right on that corner" Aba sabi ko sa loob ko mukhang may lalakarin pa at wala yatang maayos na maparkingan. So paalam ako sa mga kasama sa van at lakad sa kanto. Tingin sa mga mga buildings at oo nga isa doon ay ang aking hotel. Busy sa maliit na lobby at naghintay sumandali para maasikaso. Register ako, pakita ng pasaporte at tumawag na ng bellboy ang desk officer para ihatid ako sa kwarto ko Rm. 402. Pagpasok ko sa kwarto ay bagsak agad sa nag-iisang kama at sa wakas medyo makapagpapahinga ng konti. Maliit lang yung kwarto. May TV, maliit na ref na may mga lamang softdrinks in cans, chocolates, mani atb. Alam ko na pag kumuha ka doon sa ref ay babayaran ko yon pag check out ko so hindi ko ginalaw ang laman nito. May sariling maliit na CR at syempre aircon. Dalawang gabi lang ang stay ko sa Shamrock. Eh dalawang linggo pa ko doon, so the rest na tutulugan at kakainan ko ay sariling sikap na... (itutuloy sa part II)

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

maganda nga daw ang airport ng hongkong pero nde naman magaganda ang ugali ng mga tao doon, well yan lang ang sabi ng sis ko ,,, actually ayaw nya nyang bumalik doon......

5:53 PM  

Post a Comment

<< Home